Ex-PNP chief at senatorial aspirant Eleazar, nakaboto na

Ex-PNP chief at senatorial aspirant Eleazar, nakaboto na

May 9, 2022 @ 11:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakaboto na si dating Philippine National Police (PNP) at senador aspirant na si General Guillermo Eleazar kaninang umaga sa mismong bayan nito sa Tagkawayan Quezon.

Magkasabay na nagtungo sa Tagkawayan Central Elementary School si Eleazar kasama ang asawang si Rosalie Eleazar upang bomoto.

Si Eleazar ay tumatakbong sa pagka-senador sa ilalim ng Partido para sa Demokratikong Reporma (PDR) sa tambalang Panfilo ‘Ping’ Lacson blang presidente at Vicente “Tito” Sotto sa vice presidentiables.

Nang pamunuan ni Eleazar ang pambasang pulisya ay agad na napataas nito ang trust rating ng publiko sa mga pulis sa loob lamang ng anim na buwan ng kanyang pamumuno sa PNP.

Kinastigo ng dating heneral ang mga bugok na mga pulis na gumagawa ng mga mali at kanyang pinasibak  sa serbisyo.

Kilala si Eleazar sa pagiging strikto  sa pamamalakad at pagiging seryoso sa pagsisilbi sa bayan. RNT