Ex-PNP chief Cascolan itinalagang DOH Undersecretary

Ex-PNP chief Cascolan itinalagang DOH Undersecretary

October 24, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na itinalaga bilang isa sa undersecretaries ng ahensya si dating Chief PNP Camilo Cascolan.

“Yes, we confirm the receipt of the appointment papers of Mr. Camilo Cascolan, Atty. Charade Mercado-Grande and several directors,” ayon sa DOH sa media Viber message.

Ang iba pang bagong itinalagang opisyal ng DOH ay sina:

  • Charade Mercado-Grande — Assistant Secretary

  • Maria Lourdes Caballero Santiago — Director IV

  • Girlie Enriquez Veloso — Director IV

  • Maria Joyce Udtuhan Ducusin — Director III

  • Sophia Macaranas Mancao — Director III

Gayunman, wala pa ring itinatalagang bagong kalihim ng Kagawaran mula nang maupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr noong Hunyo.

Nanatili namang Officer-In-Charge si Usec.Maria Rosario Vergeire.

Walang appointment para sa Kalihim ng Kalusugan ang ginawa mula nang maupo si Marcos sa pwesto noong Hunyo. Maria Rosario Vergeire ay nananatiling officer-in-charge.

Nagpasalamat naman si Cascolan sa Pangulo sa kanyang bagong posisyon.

Naniniwala rin si Cascolan na maari siyang makapag-ambag ng mga ideya tungkol sa mga protocol laban sa COVID-19 gayundin sa iba pang isyu tungkol sa kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden