Ex-PNP official na lider ng gun-for-hire, timbog!

Ex-PNP official na lider ng gun-for-hire, timbog!

August 8, 2022 @ 10:10 AM 2 months ago


TAYUG, Pangasinan- Arestado ang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na lider ng notoryus na Magpali Gun for Hire Criminal Group na nag-ooperate sa Region 1 (Ilocos Region) Linggo sa bayang ito.

Kinilala ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang nadakip na suspek na si Lt. Col. Wilson M. Magpali.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ni Presiding Judge Nyerson Dexter Tito Quilala Tualla, ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 28 San Fernando City, La Union, sinalakay ng mga tauhan ng Luzon Field Unit of the PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang bahay ng suspek sa Barangay Legaspi, Tayug na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Nakuha sa suspek ang 9mm Beretta pistol na may serial number M14880Z at may PNP property markings ganun din ang 3 magazines na may mga bala.

“This is yet another significant development in the PNP’s massive tracker operations against fugitive criminals. As we are making great strides in weeding out police ‘scalawags’ in the organization, let us remain steadfast in hunting down notorious criminals with outstanding warrants as we boost the government’s campaign for criminal justice,” ani pa Azurin.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng PNP-IMEG Luzon Field Unit si Magpali at hindi ito pinayagan ng korte na makapagpiyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Nabatid, na sumuko na rin noon si Magpali kay dating PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, para linisin ang kanyang pangalan dahil sa pagkakasangkot nito sa pagpatay sa ilang pulitiko sa Region 1. /Mary Anne Sapico