Ex-Police Director ng Bulacan, niratrat ng tandem todas

Ex-Police Director ng Bulacan, niratrat ng tandem todas

October 15, 2020 @ 8:50 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Bulacan, Philippies – Patay ang isang dating police provincial director dito matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bukana ng tulay, sakop ng Brgy. Bagbag ,Calumpit kahapon.

Kinilala ang napatay na si ret.Col.Fernando Villanueva, kasalukuyang hepe ng Bulacan Provincial Security Unit.

Sa panayam ng Remate news kay Pedro Flores, driver ng biktima, bandang 5:30 p.m habang papauwi sila lulan ng Mitsubishi Estrada pick-up nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bukana ng tulay ng Brgy.Bagbag.

Nabatid na medyo madilim ang lugar dahil sa pag-ulan at may kabagalan ang daloy ng trapiko.

Aniya, nabigla sila nang makarinig ng putok ng baril kaya mabilis na lumabas ng sasakyan na sinundan pa ng sunod-sunod na putok.

Napunta siya sa kabilang kalsada ng tulay habang si Villanueva ay nakatakbo sa harap ng sasakyan papunta sa gitna ng tulay hanggang sa tagilid na sumubsob at mamatay noon din.

Naniniwala siyang may tama na si Villanueva nang magtatakbo at muling pagbabarilin sa tulay ng riding-in-tandem.

Walang nababanggit ang biktima na may banta sa kanyang buhay at hindi niya alam ang motibo, dagdag ng driver.

Patuloy ang imbestigasyo ng pulisya sa pamamaril at nangangalap na ng ebidensiya para mahuli ang mga suspek. Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •  

Loading...