Ex-pope Benedict pinagtanggol ng Vatican sa abuse cases

Ex-pope Benedict pinagtanggol ng Vatican sa abuse cases

January 27, 2022 @ 11:20 AM 8 months ago


VATICAN – Ipinagtanggol  ng Vatican si dating pope Benedict XVI na inakusahan noong nakaraang linggo na sadyang hindi napigilan ang sekswal na pang-aabuso ng apat na pari sa mga menor de edad noong 1980’s noong siya ay arsobispo ng Munich.

Sa isinulat  sa isang editorial na inilathala noong Miyerkules sa website ng Vatican news, sinabi ni Vatican’s communications director Andrea Tornielli na si Benedict ang kauna-unahang papa na humarap ng ilang beses sa mga biktima ng pang-aabuso.

Si Benedict  XVI na bumaba noong 2013 ay natagpuan ng isang independiyenteng ulat na walang ginawa upang pigilan ang mga kleriko—kahit na sa dalawa sa mga kaso na kanilang nagawa ay napatunayan na may pang-aabuso.

Ang ulat ng law firm na Westgfahl Spiker Wastl (WSW) ay inatasan ng  archdiocese ng Munich at Feising upang suriin kung paano hinarap ang mga kaso ng pang-aabuso sa pagitan ng  1945 at 2019.

Ang dating papa na may pangalang Joseph Ratzinger ay arsobispo ng Munich mula 1977 hanggang 1982.

Si Benedict ay magpapatuloy sa pamumuno sa  doctrinal congregation sa Vatican-dating kilala bilang Holy Office of the Inquisition, isang puwesto na nagbigay sa kanya ng tunay na responsibilidad na mag-imbestiga sa mga kaso ng pang-aabuso.

The report was “not a judicial inquiry nor a final sentence” and the reconstructions within it should not be “reduced to the search for easy scapegoats and summary judgments,” isinulat pa ni Tornielli.

Nitong Lunes, inamin ng dating papa ang pagbibigay ng maling impormasyon sa pagtatanong ng Aleman tungkol sa kanyang presenysa sa isang pulong noong 1980 na tinatalakay ang isang pedophile priest, na sinisisi ang hindi napansing pag-eedit.

Ang pari na pinag-uuspan ay si Peter Hullermann na inilipat sa Munich  mula sa Essen sa kanlurang Alemanya kung saan  siya ay inakusahan ng pang-aabuso sa isang 11 taong gulang na batang lalaki.

Muling itinalaga sa mga tungkuling pastoral si Hullermann sa kabila ng kanyang kasaysayan at patuloy na inaabuso ang mga menor de edad sa loob ng maraming taon.

Iginiit naman ng tanggapan ni Benedict na walang ginawang desisyon sa pulong na dinaluhan  niya tungkol sa muling pagtatalaga ng pari. Jocelyn Tabangcura-Domenden