Ex-Pope Benedict XVI pumanaw na

Ex-Pope Benedict XVI pumanaw na

December 31, 2022 @ 9:11 PM 1 month ago


VATICAN CITY – Pumanaw na si dating Pope Benedict XVI sa edad na 95.

Ipinanganak na si Joseph Ratzinger, tubong Germany, at naging Santo Papa noong 2005 sa edad na 78, namatay ito sa Mater Ecclesiae monastery at ilalagak ang kanyang bangkay sa St Peter’s Basilica sa Enero 2 hanggang sa ilibing siya sa Enero 5.

Pangungunahan ni Pope  Francis ang paglilibing sa kanya.

Si Pope Benedict XVI ang kauna-unahang nagbitiw bilang Santo Papa noong 2013 dahil sa pagkakasakit simula noong panahon ni Gregory XII noong 1415.

Sa kanyang panunungkulan nadiskubre ang mga pang-aabusong sekswal, lalo na ang pedopilia na nakatuon sa mga batang lalaki ng mga pari at kardinal.

Umamin naman ang nasabing Santo Papa sa maling paghawak sa mga kasong ito, maging sa kanyang nasasakupang lugar nito na Munich, Germany.

Sa mga araw na ito, natatagpuan ang mga pedopilia ng mga paring Katoliko sa mga bansang Germany, France, Italia, Spain, United States, Latin America at iba pa.

Makaraang maanunsyo ang pagpanaw nito, nagpalabas na ng pakikiramay ang mga bansang Italy, France, Germany, United Kingdom at iba pa.