Ex-Pres Duterte, nagpakonsulta sa hilo, pagbaba ng timbang

Ex-Pres Duterte, nagpakonsulta sa hilo, pagbaba ng timbang

November 11, 2022 @ 11:07 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinahagi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na kinailangan niyang sumailalim sa medical check-up dahil sa pagbawas ng kanyang timbang at hilo na nararamdaman.

“At first they thought it was Parkinson’s, but my extremities are alright,” sinabi ni Duterte kasabay ng reunion-concert na isinagawa sa Makati City kasama ang dating mga miyembro ng kanyang Gabinete.

Aniya, ang natuklasan ng doktor ay ang “trauma” na maaari umanong dulot ng kanyang pagkakaaksidente sa motor kabilang na ang nangyari noong nakaraang buwan.

“Sa brainwaves and they found out I have, marami akong trauma,” ani Duterte.

“I have two accidents. On one, nawala ang break,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong pangulo pa siya ay ipinapakita niya na ang pagkagusto nito sa pagsakay sa motorsiklo na nakahiligan na umano mula pa noong siya ay bata.

Ito rin ang kanyang pinagkaabalahan nang matapos na ang termino ni Duterte noong Hunyo.

Kasabay ng event, nagpasalamat naman ang dating pangulo sa mga opisyal at kaibigan na nakasama niya sa panunungkulan.

“There’s a time to start and a time to retire. God is really very kind to me,” aniya. RNT/JGC