Ex-pres Duterte nanindigan, CPP-NPA terorista

Ex-pres Duterte nanindigan, CPP-NPA terorista

October 2, 2022 @ 9:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanindigan si dating pangulo Rodrigo Duterte na ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) ay mga terrorist groups anuman ang naging desisyon ng Korte.

“There is no need for anybody to declare them terrorists. They’ve long been terrorists. They’ve long been our enemies,” ani Duterte kasabay ng 40th anniversary celebration ng Partido Demokratiko Pilipino – Laban ng Bayan (PDP-Laban) noong Huwebes, Setyembre 29.

“You don’t need a license or a new mandate to fight them. It’s a continuing CPP,” dagdag pa niya.

Ang tinutukoy ng dating pangulo ay ang pinakahuling desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 19 na nagbabasura sa petisyon ng Department of Justice na ideklarang terrorist groups ang CPP-NPA.

Kung babalikan, sa nakaraang administrasyon ay tuluyan nang isinara ang peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at makakaliwang grupo kasabay ng pagpapaigting ng localized peace efforts sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac). RNT/JGC