Ex-pres Duterte walang pake sa ICC probe

Ex-pres Duterte walang pake sa ICC probe

January 29, 2023 @ 9:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang pakialam si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung magbubukas mang muli ang imbestigasyon sa kanyang pamosong “war on drugs.”

Ito ang sinabi ni dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo nitong Biyernes, Enero 27 kasunod ng pagsasabi nito na wala umanong hurisdiksyon sa bansa ang International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Panelo, tinanong niya si Duterte kung ano ang reaksyon nito sa pagtutulak ng imbestigasyon matapos aprubahan ng ICC ang muling pagbubukas ng drug war probe.

“Sabi niya, I don’t care what they do. As far as I’m concerned they have no jurisdiction. They have to show me their jurisdiction,” ani Panelo.

“Sabi niya, if I’m guilty of anything, there would be a Filipino judge hearing my case. If I’m convicted, I will serve my term in a Filipino prison.”

“Sabi niya, they can do their worst, I don’t care,” dagdag pa nito.

Sa opisyal na tala ng war on drugs ni Duterte, nasa kabuuang 6,181 katao ang nasawi.

Para sa rights group, posibleng aabot pa sa 30,000 ang napatay kung saan karamihan ay mga inosente. RNT/JGC