Ex-Pres Duterte, PBBM pinagkumpara ni Diokno

Ex-Pres Duterte, PBBM pinagkumpara ni Diokno

February 3, 2023 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ikinumpara ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang dalawang magkasunod na Pangulo, sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulo na si Ferdinand Marcos Jr.

Kasabay ng forum na inorganisa ng Makati Business Club, tinanong kasi si Diokno kung ano ang pagtingin ng international community sa pagitan ni Duterte at Marcos.

Bilang tugon, sinabi ni Diokno, na naglingkod din bilang Bangko Sentral ng Pilipinas governor sa nakaraang administrasyon, na mayroong malaking kaibahan sina Duterte at Marcos.

“Duterte is not as engaging as President Bongbong with the world, the rest of the world.”

“For example, he didn’t care much about Europe because Europe was putting pressure on us on human rights…,” dagdag pa niya.

Kung babalikan, makailang beses na tinira ni Duterte ang European Union dahil sa pagpuna ng mga ito sa posibilidad ng human rights violation sa bansa dahil sa anti-drug war campaign.

“Compared to Bongbong… Bongbong is more engaging with the rest of the world. He has traveled, how many times? Seven times? Yes, he’s more engaging than President Duterte,” pagbabahagi ni Diokno.

Mula nang umupo sa opisina noong 2022, bumiyahe na si Marcos sa
Indonesia, Singapore, the United States, Cambodia, Thailand, Belgium, China, at Switzerland.

Sa susunod na linggo naman ay bibisita ito sa Japan para sa isang working visit.

Sa kabila nito, nilinaw ni Diokno na “I’m not saying… he (Marcos) is more effective than Duterte.”

“Duterte has the reputation … who left office and is still very popular. His approval rating was very high for somebody who’s leaving office. That’s the difference between the two,” aniya. RNT/JGC