Ex-president ng POA inendorsong DOH chief

Ex-president ng POA inendorsong DOH chief

June 14, 2022 @ 3:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inendorso ng Philippine Orthopaedic Association (POA) ang dating presidente nito na maging bagong kalihim ng Department of Health (DOH).

Inihayag ni POA president Frederic Joseph Diyco ang suporta kay Dr. Jose Pujalte na namuno sa POA sa gitna ng mga hamon sa panahon ng kanyang termino bilang presidente ng kanilang organisasyon.

“As Medical Chief of the Philippine Orthopedic Center, he has steered the institution to newer heights through vast improvements and projects making this the Apex Center for Orthopedics in the country,” aniya.

“With his vast experience, the POA believes that having Dr. Pujalte at the helm of the Department of Health will ensure continuous improvement in the health system of the Philippines,” dagdag ni Diyco.

Hindi pa pinapangalanan ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang napili niyang DOH secretary sa ilalim ng kanyang administrasyon. RNT/SA