Ex-PRRD napa-throwback sa ‘Build, Build, Build’

Ex-PRRD napa-throwback sa ‘Build, Build, Build’

March 15, 2023 @ 2:31 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Napa-throwback si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang “Build, Build, Build” program kasabay ng pagdalo nito sa isang book launching.

Si Duterte kasi ang nanguna sa book launch ng ikalawang edisyon at Filipino version ng librong “Night Owl: A Nationbuilder’s Manual” nitong Martes, Marso 14.

Sinulat ito ng dating Build, Build, Build Committee Chair Anna Mae Lamentillo, kung saan sa libro ay binabanggit nito ng detalyado ang mga ginawa ng administrasyong Duterte sa major infrastructure project nito.

“It records the accomplishments of the ‘Build, Build, Build’ mantra during the administration of President Rodrigo Duterte. We were able to create 29,000 kilometers of roads, 5,950 bridges. At least before we resigned from our respective positions, we wanted to make sure that the narrative is there and backed by statistics and we give credit to the 6.5 million Filipinos who actually worked to accomplish this project,” sinabi ni Lamentillo.

Kasama ni Duterte sa naturang book launch ay ang kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña at Senator Bong Go.

Sinalubong naman ito ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chair at dating Defense Secretary Delfin Lorenzana, dating National Security Adviser Hermogenes Esperon, dating Transportation Secretary Arthur Tugade, at Senator Francis Tolentino.

“Sabi ko basta hatiin ninyo lahat, makatikim ang lahat ng regions, the whole country will benefit from the infrastructure funds. Sabi ko ‘yung big-ticket to be pursued by itong Transportation department pati ‘yung sa highways,” ani Duterte.

Nagpasalamat naman si Duterte kay Tugade at dating Public Works Secretary na ngayon ay Senador na si Mark Villar sa pagbibigay-buhay sa programa.

“I never really bothered to ask for a month-to-month report. But nakikita ko, as I was going around the country as then president to look after the welfare. At nakikita ko na iyong progress nila and I knew that in my heart, pati dito sa Manila nakikita ko, that somehow I will go out of the presidency with a little pride na may ginawa ako para sa bayan,” aniya. RNT/JGC