Ex-pulis na top 1 most wanted kalaboso sa manhunt

Ex-pulis na top 1 most wanted kalaboso sa manhunt

November 18, 2022 @ 3:54 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang 39-anyos na dating pulis ang humihimas ngayon nang malamig na selda makaraang arestuhin ito sa di-umano’y reklamong pangmomolestiya, apat na buwan na ang nakararaan, sa Santiago City, Isabela.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Marlon M. Cudal, hepe ng San Jose City police station, kay Mayor Kokoy Salvador, kinilala ang arestadong suspek na si Emmanuel Leaño Cabading, alyas Manny, may asawa, natanggal o na-dismissed na miyembro ng Philippine National Police (PNP), residente ng Purok L.O., Barangay Bangad, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, ganap na 6:50 ng gabi nitong Huwebes, Nobyembre 17 nang magkasa ng manhunt charlie operation ang Trackerteam at Warrant Personnel ng nasabing istasyon ng pulisya sa pangunguna ni Lt./Col. Cudal, katuwang ang ilang tauhan ng Cabanatuan City Police Station (CCPS); Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC); 303rd Maneuver Company; at Regional Mobile Force Batallion 3 (RMFB3), sa Brgy. Bangad, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Dagdag pa dito ay napag-alaman din na ang suspek ay Top 1 Most Wanted Person sa Santiago City, Isabela para sa di-umano’y Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353) na may criminal case number 35-13652 na inisyu noong July 6, 2022 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 35, Santiago City, Isabela at walang piyansa.

Pansamantala ang suspek ay nasa ilalim ng kustodiya ng nabatid na istasyon ng pulisya. Elsa Navallo