Ex-rep Ecleo, lider ng kulto dinampot

Ex-rep Ecleo, lider ng kulto dinampot

July 30, 2020 @ 1:39 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dinampot ng mga otoridad ang dating mambabatas at pinuno ng kulto na si Ruben Ecleo Jr. sa Pampanga.

Batay sa ulat na nahatulan ng parusang reclusion perpetua si Ecleo sa kasong parricide matapos patayin ang kanyang asawa na si Alona Bacolod-Ecleo noong Abril 2020. Natagpuan ang naaagnas ng bangkay ng misis ni Ecleo sa isang bangin.

Pinagbabayad din ang dating mambabatas ng P25 million para sa kaanak ng kanyang asawa.

Una nang naharap sa 31 at kalahating taon na pagkakukulong si Ecleo noong Oktubre 2006 matapos matuklsang sangkot ito sa mga maanomalyang construction deal nang maging alkalde sa bayan ng San Jose, Surigao del Norte taong 1991 hanggang 1994.

Nabatid na naging lider din ang suspek ng grupong Philippine Benevolent Missionaries Association na nakabase sa Dinagat Islands.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas, tiniktikan muna ng isang buwan si Ecleo bago damputin ng mga pulis sa nabanggit na lugar.

Nag-alok din ng pabuyang aabot sa P2-million ang mga otoridad para sa makahuhuli at makapagbibigay impormasyon sa nasabing suspek. RNT / LF

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...