Ex-SB member sa Abra, arestado sa loose firearms

Ex-SB member sa Abra, arestado sa loose firearms

March 12, 2023 @ 4:07 PM 2 weeks ago


PILAR, ABRA-Aresto ng mga awtoridad ang dating miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pilar, Abra na si George Dela Rosa Sotelo makaraang masamsam sa kanyang bahay ng iba’t ibang uri ng armas sa isina­ga­wang pagsalakay ng mga otoridad.

Naaresto ng pinagsanib na operatiba ng Pilar at Langiden Police, Abra Provincial Police Office, Abra Police Mobile Force, Cordillera Police, CIDG at Cordillera Police Counter-Intelligence agents si Sotelo.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Bonhoefer V. Bernardez, ng Regional Trial Court (RTC), Branch 1 sa Bangued, Abra noong February 18, 2023 sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591) sa ilalim ng Crim. Case No. 2022-007.

Walang bail o piyansa na inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Noong Oktubre 2021, kabilang sa mga narekober sa bahay ni Sotelo ay ang Elisco-made caliber M16A1 baby armalite rifle na may serial number 113054; apat na mahaba at tatlong magazines para sa rifle; 134 rounds para sa rifle; caliber 45, M1911 pistol marked US Army na may serial number 11001; tatlong magazine assemblies para sa caliber 45 pistol; 20 bala ng caliber caliber 45; isang Llama-made caliber 9mm pistol na may serial number 940296; isang magazine assembly para sa caliber 9mm; limang bala ng 9mm pistol; dalawang long magazines ng US carbine rifle; dalawang short magazines ng carbine rifle; at 3 pang bala ng rifle.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang dating SB member para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco