Ex-SC associate justice Tinga bagong DBP chair

Ex-SC associate justice Tinga bagong DBP chair

December 23, 2022 @ 8:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagong Development Bank of the Philippines (DBP) chair si dating Supreme Court associate justice Dante Osorio Tinga.

Ito ang kinumpirma ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer in charge ng Office of the Press Secretary, nitong Huwebes, Disyembre 22.

Sa kapareho ring araw ay nanumpa na si Tinga sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Si Tinga ay nagsilbing SC associate justice mula 2003 hanggang 2009 nang italaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Maliban dito ay naging dean din siya ng Univerity of the East College of Law mula 1989 hanggang 1993 at 2017 hanggang 2018.

Miyembro rin si Tinga ng House of Representatives para sa Taguig-Pateros District. RNT/JGC