Ex-SRA chief Serafica nahatulang guilty sa indirect contempt sa importation order

Ex-SRA chief Serafica nahatulang guilty sa indirect contempt sa importation order

September 29, 2022 @ 8:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinatulan si dating Sugar Regulatory Administration (SRA) chief Hermenegildo Serafica na guilty sa indirect contempt sa pag-isyu ng memorandum na pumapayag sa sugar imports sa kabila ng court order na nagbabawal dito.

Ayon sa order na ipinalabas nitong Lunes, sinintensyahan ni Judge Walter Zorilla ng Himamaylan City Regional Trial Court Branch 55 si Serafica ng 15 araw na pagkakakulong at pinagmumulta siya ng P30,000.

Nag-isyu rin si Zorilla ng warrant of arrest para kay Serafica.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento si Serafica ukol dito.

Nag-isyu si Serafica noong mayo 4 ng Memorandum Circular No. 11 (Resumption of Implementation of Sugar Order No. 3 series of 2021-2022), na pumapayag sa pag-proseso ng pag-angkat ng 200,000 metric tons ng standard grade refined sugar at bottler’s grade refined sugar sa kabila ng pag-isyu ng Himamaylan RTC ng writ of preliminary injunction (WPI) noong Marso 2.

Ang injunction ay kaugnay ng petisyong inihain ng Negros Occidental Federation of Farmers’ Association laban sa importation program sa ilalim ng Sugar Order No. 3.

Sinabi ni Serafica na umaksyon siya “in good faith” sa pag-isyu sa MC 11, dahil dumedepende lamang ang SRA merely sa payo ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Aniya pa, ang Region 6 ay hindi kasama sa MC 11, kung kaya hindi umano ito matatawag na paglabag sa WPI.

“Serafica’s justification that the preliminary injunction can be enforced only within the 6th Judicial Region, where this court belongs, is utterly misplaced,” saad sa order.

“Clearly, there is absolutely nothing in the preliminary injunction that enjoined the implementation of Sugar Order 3 only in the 6th Judicial Region.”

Natkoy din ng korte ang “bold and contumacious refusal to abide by the injunction, whose wordings are definite, clear, and straightforward.”

“This cannot be condoned, much less left unpunished,” giit nito.

Nagbitiw sa pwesto si Serafica nitong nakaraang buwan kasunod ng kontrobersiya ukol sa Sugar Order No. 4, na nagbigay ng awtorisasyon sa pag-angkat ng 300,000 metric tons of ng asukal nang hindi alam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. RNT/SA