Ex-Tingog party-list official, bagong pres’l assistant for Visayas

Ex-Tingog party-list official, bagong pres’l assistant for Visayas

December 8, 2022 @ 8:51 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanumpa ang dating Tingog party-list group officer bilang bagong presidential assistant para sa Visayas.

Ang negosyante at Cebu-based na si Terence Calatrava ay nanumpa bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Visayas sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Palasyo ng Malacañan noong Martes, Nob. 6.

Si Calatrava, 45, na may ranggong undersecretary, ay pinangalanan sa kanyang puwesto ni Pangulong Marcos noon pang Nob. 8, 2022.

Bago ang kanyang appointment, si Calatrava ay nagsilbi bilang regional chairman ng Tingog party-list sa Central Visayas mula noong 2021.

Ang Tingog ay isang party-list group na nakabase sa Eastern Visayas na itinatag ni Leyte congressman at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Bilang isang presidential assistant, kakatawanin ni Calatrava ang Pangulo sa tatlong rehiyon ng Bisaya at tutulong sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang epektibo at mabilis na paghahatid ng mga serbisyo sa mga lokal na pamahalaan.

Si Calatrava ay manungkulan sa Cebu, bilang sentro ng Visayas. RNT