Ex-tserman kasama patay sa ambush

Ex-tserman kasama patay sa ambush

August 16, 2022 @ 12:07 PM 2 months ago


MATALAM, North Cotabato –TUGIS na ng mga awtoridad ang mga salarin sa pananambang patay sa dating barangay chairman at kasama nito noong Linggo sa probinsyang ito.

Kinilala ni Lt. Col Jingle Parallag, hepe ng Matalam-PNP ang mga biktimang sina Felipe Sara Maluenda, 61, dating Punong Barangay ng Barangay Kidama, at Joseph Mariano Flores, obrero, at taga Alamada, North Cotabato.

Batay sa repor ng pulisya, dakong 7:30 PM naganapa ng krimen sa Purok 3, Brgy. Kidama, Matalam, Cotabato.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Maluenda ang kotse kasama si Flores pagsapit sa nasabing lugar sa may tubuhan bigla na lamang sumulpot ang mga suspek.

Dito, pinagbabaril ang mga biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng mga basyo M16 rifle at .45-caliber pistol.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa plantasyon ng tubo.

Ayon kay Parallag, hindi na muna sila nagbibigay ng iba pang impormasyon laban sa mga suspek para hindi nabulabog ang ginagawa nilang imbestigasyon at agad na madakip ang mga suspek./Mary Anne Sapico