Ex-tserman niratrat ng tandem, sugatan

Ex-tserman niratrat ng tandem, sugatan

October 20, 2022 @ 12:37 PM 1 month ago


ILOCOS SUR-Sugatan ang isang ex-barangay chairman matapos na pagbabarilin sa Brgy. Beddeng Daya, Vigan City ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 19.

Kinilala ang biktima na si Florante Racoma, nasa hustong gulang, residente ng Pudoc Sur, San Vicente, Ilocos Sur.

Ang biktima na nakasakay sa kanyang kulay itim na Vios ay sugatan na nagpunta sa Vigan City Police Station para ireport na siya ay pinagbabaril ng mga hindi nakilalang lalaki na nakasakay ng Yamaha NMAX motorcycle.

Ang biktima na hinihinalang galing ng Vigan City Arena Cockpit ay nakasakay sa kanyang kotse at paalis na doon sa lugar nang lapitan siya ng mga suspek at pagbabarilin.

Agad namang dinala ng mga otoridad ang biktima sa Gabriela Silang General Hospital.

Nabatid na nasa stable na kalagayan na ang biktima.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin ang mga suspek sa naturang pamamaril. Rolando S. Gamoso