Ex-tserman, patay sa pulis

Ex-tserman, patay sa pulis

July 11, 2018 @ 4:34 PM 5 years ago


Isabela – Todas ang dating kapitan ng Barangay Victoria sa bayan ng Alicia, Isabela makaraang makipagbarilan sa mga pulis.

Nauna nang tinugis ng pulisya ang suspek na si Antonio Benitez matapos na barilin umano nito si Romeo Pasion, 66-anyos, kasunod ng kanilang pagtatalo sa isang bar sa nasabing lugar.

Napag-alaman pa mula kay Senior Insp. Frances Littaua, ang tagapagsalitan ng Isabela Police, sa kabila ng pagtatangka na makatakas ay nasukol din ng pulisya si Benitez ngunit pinaputukan ang mga otoridad kaya’t napilitang rumesbak ang huli.

Patuloy namang ginagamot sa ospital si Pasion habang sinisiyasat pa ng pulisya ang insidente. (Jeff Gallos)