Ex-vice mayor sa Maguindanao, patay sa pamamaril

Ex-vice mayor sa Maguindanao, patay sa pamamaril

July 21, 2018 @ 2:29 PM 5 years ago


Maguindanao – Tinambangan at napatay ng hindi pa matukoy na armadong kalalakihan ang isang dating bise alkalde ng Sultan Sabarongis, Maguindanao sa Tacurong City Biyernes ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Datu Roger Lagawan Mamalo, 63-anyos, residente rin sa nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na ulat, pauwi na ang nasabing biktima sa kanilang bahay sakay ng kanyang sasakyan nang bigla itong harangin ng dalawang lalaki na lulan sa dalawang motorsiklo.

Mabilis na pinaulanan ng bala ang sasakyan ng dating opisyal bago mabilis na tumakas ang mga salarin.

Apat na tama ng bala ang bumaon sa katawan ng biktima na siyang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Isang special investigators team ang kaagad na binuno ng Tacurong City police para imbestigahan at tugisin ang mga nasa likod ng krimen.

Wala namang maisip ang mga kaanak ng biktima sa kung ano ang motibo sa nasabing pamamaslang. (Jeff Gallos)