Ex-VP Binay: Working parents bigyan ng dagdag na paid leave

Ex-VP Binay: Working parents bigyan ng dagdag na paid leave

January 27, 2022 @ 8:13 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Ipinanukala ni dating vice president at senatorial aspirant Jejomar Binay ang pagdaragdag ng paid leave at government assistance sa mga nagtatrabahong magulang lalo na kung hindi ito makapapasok sa trabaho para sa kanilang mga anak.

“With schools closed, many working parents are unable to go to work because they need to look after their children. They should be given government aid and entitled to additional paid leaves,” ani Binay sa kanyang Tweet.

Dagdag pa niya na sakop ng kanyang panukala ang mga pribado at mga empleyado ng gobyerno.

“Most families are cutting back on expenses for food, medicine, and essential needs,” giit pa ni Binay. “And not only working-class families but also middle-class families.” RNT