Examination venue ng LEPT sa Setyembre binago ng PRC

Examination venue ng LEPT sa Setyembre binago ng PRC

July 28, 2021 @ 5:24 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inilipat ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagdarausan ng Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) sa Setyembre.

Ayon sa PRC, mula sa PRC Kidapawan isasagawa na ito sa PRC Koronadal.

Inilipat ang venue ng exam dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Kidapawan City.

“For updates on LEPT, you may follow PRC Region XII’s Official Facebook page at https://www.facebook.com/PRCRegion12/,” ayon sa PRC.

“You may also follow PRC Central Office’s Official Facebook Page at https://www.facebook.com/professionalregulationcommissionand Twitter handle at https://twitter.com/PRC_main,” anila.

Para naman sa katanungan maaaring magpadala ng email sa kidapawan@prc.gov.ph at koronadal@prc.gov.ph.

Apat na batch ang isasagawang LEPT ng PRC: September 26, 2021 (1st batch); January 30, 2022 (2nd batch); March 27, 2022 (3rd batch); June 26, 2022 (4th batch). RNT/ELM


  •  
  •  
  •