Exception sa election ban, pwedeng igawad sa humanitarian grounds – Comelec

Exception sa election ban, pwedeng igawad sa humanitarian grounds – Comelec

January 26, 2022 @ 9:33 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinusuri pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Office of Vice President Leni Robredo na payagan itong magpatuloy sa kanilang mga COVID-19 response programs kahit na sa panahon ng kampanya.

“That is still being evaluated if I’m not mistaken. The Law Department has to evaluate the request first to see if it fulfills a humanitarian ground,” ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez sa virtual press briefing nitong Martes.

Sinabi ni Jimenez na karaniwan ang exemptions sa election ban ay maaaring ipagkaloob sa makataong mga batayan upang makita kung ito ba ay talagang kailangan o hindi.

Binanggit ni Jimenez kung paano sila nagbigay ng exemption sa mga disaster relief operations noong nakaraan.

β€œWe’ve exempted typhoon relief operations. Mostly disaster relief in general,” ani Jimenez.

Magkakaroon ng pagbabawal sa pagpapalabas, pagbabayad, o paggasta ng mga pampublikong pondo mula Marso 25 hanggang Mayo 8. Jocelyn Tabangcura-Domenden