Excise tax sa single use plastic aprub na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Excise tax sa single use plastic aprub na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

November 8, 2022 @ 6:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang magpapataw ng P100 na excise tax sa kada kilo ng single use plastic bags.

Ang pamamagitan ng “viva voce” voting ay pasado na ang House Bill 4102 o Single Use Plastic Bags Tax Bill.

Positibo si House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na sa oras na maisabatas ang panukala ay makakatulong ito para mabawasan ang paggamit ng plastic bags sa ating bansa na makatutulong para mabawasan ang polusyon.

Tiwala din ang mambabatas na kapag pinatawan ng excise tax ang plastic ay mas maraming mahihimok na gumamit ng environmental-friendly na alternatibo sa plastic bags.

“Mas makatwiran ang pagtataw ng excise tax sa mga plastic bag kaysa sa tuluyang pag-ban o pagbabawal dito,” depensa ni Salceda.

Aabot naman sa P1 bilyon kada taon ang inaasahang revenue za ipapataw na plastic bags exse tax, ang pondo ay target na gamitin sa solid waste management programs ng mga local government units.

Kasama sa papatawan ng excise tax ay mga plastic bags mula sa “place of production” o inilalabas mula sa Bureau of Customs(BOC).

Nabatid na ang nasabing plastic bags ay itinuturing na “secondary level plastics” na gawa mula sa synthetic o semisynthetic organic polymer, o mas kilalang labo o sando bags na karaniwang ginagamit sa mga palengke. Gail Mendoza