Exclusive motorcycle lane sa ilang kalsada sa NCR ilalagay ng MMDA

Exclusive motorcycle lane sa ilang kalsada sa NCR ilalagay ng MMDA

October 12, 2022 @ 4:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Maglalagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga exclusive motorcycle lanes sa ilang kalsada sa Metro Manila simula Nobyembre.

Ayon kay MMDA acting chairman Carlo Dimayuga III, isa ang Commonwealth Avenue sa Quezon City na unang lalagyan ng motorcycle lane na makatutulong upang mabawasan ang aksidente at mapabuti pa ang daloy ng trapiko.

Isa ito sa resulta ng konsultasyon ng ahensya sa mga motorcycle groups at iba pang stakeholders na sinuportahan naman ni 1-Rider party-list Representative Bonifacio Bosita.

Ayon kay Bosita, nais din ng mga motorcycle riders ang pagkakaroon ng exclusive motorcycle lanes para sa kanilang kaligtasan.

Pinag-aaralan na rin ng MMDA ang paglalagay ng motorcycle lane sa EDSA.

Nitong 2021, nakapagtala ng mahigit 26,000 aksidente sa kalsada sangkot ang mga motorsiklo. RNT/JGC