Exemption sa pagsusuot ng face mask tinutulan ng DOH

Exemption sa pagsusuot ng face mask tinutulan ng DOH

September 26, 2020 @ 2:32 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinutulan ng Department of Health (DOH) ang kahilingan ng ilang grupo ng negosyante sa IATF sa pagkakaroon ng exemption sa pagsusuot ng face mask ng mga manggagawa.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, hindi ikokompromiso ng DOH ang hindi pagsusuot ng face mask ng publiko at pagsunod sa iba pang health standards.

Ito ang iginiit ng opisyal kasunod nang pagnanais ng ilang negosyante na bigyan ng exemption ang mga manggagawa sa kanilang trabaho kaugnay sa pagsunod sa health protocol.

Ayon pa sa opisyal, ang pagsusuot ng face mask ay base sa siyensya kung saan nababawasan ng 70 porsyento ang tyansa ng pagkahawa ng COVID-19.

Habang aabot naman sa 99 porsyento kapag nakasuot ng face shield at susunod  sa physical distancing gayundin ang paghuhugas ng kamay.

Paalala ni Vergeire, bagama’t may pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay huwag pa ring magpakampante. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...