Exemptions sa ‘no vaccination, no ride’ policy inanunsyo ng CebPac

Exemptions sa ‘no vaccination, no ride’ policy inanunsyo ng CebPac

January 22, 2022 @ 11:02 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Cebu Pacific ang kanilang klasipikasyon sa airline travelers na hindi kasali sa umiiral na “no vaccination, no ride” policy sa Metro Manila.

Hindi kasali rito ang mga sumusunod:

  • Mga di bakunadong pasahero maging edad 18 pababa na sumunod sa lahat ng requirements ng LGUs ng kanilang destinasyon

  • Returning residents na galing at patungong Metro Manila na makapagpepresenta ng proof of residency kasama ang iba pang LGU requirements

  • Pasaherong may medical conditions na hindi maaaring turukan ng COVID-19 vaccine kalakip ng legitimate medical certificate na may detalye ng doktor

  • Mga indibidwal na bibili ng essential goods and services na mayroong barangay health pass o iba pang legitimate proof na patunay sa paglalakbay

Maaari namang mag-avail ang mga pasahero ng flexible options kung nais nilang kanselahin ang kanilang lakad.

“They may conveniently cancel up to two (2) hours before their scheduled time of departure and select their preferred option through the Manage Booking portal on the Cebu Pacific website,” saad dito.

Nanawagan din ang pamunuan sa mga pasahero na tiyakin ang pagsunod sa travel requirements at i-udpate ang kanilang contact details upang mabigyan ng notipikasyon kung mayroong pagbabago sa flight. RNT/FGDC