Expanded Solo Parent Act, tagumpay natin ‘to — Ang Probinsyano Party-list

Expanded Solo Parent Act, tagumpay natin ‘to — Ang Probinsyano Party-list

June 30, 2022 @ 11:41 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Ang Probinsiyano party-list ang pasasabatas ng Republic Act No. 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act na aniya’y malaking tagumpay ng halos 11 milyong solo parent sa buong bansa.

“Ako po ay maagangnaulila sa ama. Ang aking ina ay isang solo parent na itinaguyod kaming limang magkakapatid. Kaya ramdam ko po ang hirap ng isang magulang na mag-isang kumakayod at kumakalinga sakanyang pamilya,” sabi ni Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos na aktibong nagsulong ng panukala sa Kamara.

“Ang batas na ito ay alay namin sa milyun-milyong solo parents nating kababayan. Nasa inyo po ang aking malalim na respeto. Mabuhay po kayo!” dagdag pa niya.

Sa pag-aaral na isinagawa ng University of the Philippines Manila, sa tulong ng World health Organization (WHO), itinatayangnasa 14 to 15 milyong Pilipino ang “solo parents.”

Sa ilalim ng Expanded Solo Parents Act, sa halip na isang taon, anim na buwan na lang ang hihintayin para kilalanin na isang “solo parent.”

Kabilang dito ang asawa o miyembro ng pamilya na isang OFW na nasa low/semi-skilled category at wala sa Pilipinas ng isang taong tuluy-tuloy.

Inamiyendahan ang batas na ito para isama bilang“solo parent” ang mga lolo at lola, miyembro ng pamilya at kahit nahindi kamag-anak na kinikilalang tagapag-alaga, at may solong responsibilidad sa bata.

Kabilang sa mga benepisyo na matatanggap ng mga solo parent ay ang P1,000 tulong pinansiyal kada buwan sa mga minimum wage earners.
Mabibigyan din sila ng Solo parent Identification Card (SPIC)/Booklet na maaari nilang gamitin para magka-diskwento sa binibiling gatas, diaper, at gamot para sa mga bata na hanggang anim na taong gulang.

Magkakaroon din ng dagdag na pitong araw na leave. Bukod sa mandatory employment leave benefits, priority din sila libreng ospital, pabahay at scholarships ng gobyerno. Ang mga qualified single parents ay maaari ring mabigyan ng apprenticeship programs ng TESDA.

Isa sa mga importanteng probisyon sa bagong batas na ito ay pinahaba ang mga karapatan at benepisyo ng solo parents hanggang 22 anyos na ang anak. RNT