Experiment proposal ng Pinoy stude, itinanghal sa ISS

Experiment proposal ng Pinoy stude, itinanghal sa ISS

January 21, 2023 @ 11:34 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Iprinisenta ang zero-gravity experiment proposal ng Pilipinong estudyante sa International Space Station (ISS), kung saan ipinakita ang expected object movement na maaaring makatulong sa spacecraft designs.

Ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Biyernes,  pinerform ang “Rotation of Dumbbell-shaped Objects in Space” proposal ni William Kevin Abran, ni Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) astronaut Wakata Koichi sa “Kibo,” ang Japanese Experimental Module sa ISS.

Sa eksperimento, gumalaw ang dumbbell-shaped object, subalit ang Dzhanibekov effect, o ang dancing screw motion, ay hindi evident.

Subalit, sinabi ng PhilSA hindi pa ito maaaring i-rule out.

“The result of Mr. Abran’s experiment will help in the designs of spacecraft and offer a real-life example affirming the validity of Newton’s Laws of Motion and Ehrenfest Theorem in microgravity,” pahayag ng ahensya.

Sinabi naman ni Abran na isang karangalan na isinagawa ni Wakata ang kanyang eksperimento sa ISS noong Jan. 17.

“The result was satisfying knowing that the dumbbell shapes behaved as predicted,” sabi ng estudyante mula sa University of the Philippines Los Baños.

“Also, watching the experiments proposed by students from other countries gave me a new perspective about the microgravity environment,” dagdag niya. “Hopefully, this initiative inspires more students to continue doing research and be curious about the world around us.”

Magsusulat si Abran ng scientific paper kung saan tatalakayin ang resulta ng kanyang eksperimento. RNT/SA