Experimental automation ng BSKE, binubusisi ng Comelec

Experimental automation ng BSKE, binubusisi ng Comelec

January 26, 2023 @ 6:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections na pag-aaralan nito ang posibleng pagsasagawa ng “experimental pilot automation” sa ilang piling lugar sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre.

“We will study if we can at least pilot test in certain areas/ precincts the automation of the Barangay and SK elections,” ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Kasunod ito ng inihaing resolusyon ni Cavite Cong. Elpidio Bargaza Jr. sa Kongreso para aralin ang posibilidad na gamitin ang Automated Election System (AES) sa BSKE.

Ayon kay Garcia, isang “innovative idea” ang panukala para mas maging epektibo ang pagbibilang sa darating na halalan.

Ngunit kung maisasagawa ang “full automation”, sinabi ni Garcia na malabo na itong mangyari dahil nasa kalagitnaan na sila ng pag-iimprementa ng mga balota para sa orihinal na plano na “manual elections”.

Sinabi ni Barzaga na maaaring magamit ang ilan sa 97,000 na “vote counting machines (VCMs)” na nasa bodega ng Comelec sa BSKE at kailangan lang na i-modify ang mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden