Experimental saliva test halos kasing bisa ng PCR sa pag-detect ng COVID

Experimental saliva test halos kasing bisa ng PCR sa pag-detect ng COVID

December 9, 2021 @ 9:47 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Halos magkasing-bisa o accurate ang experimental saliva test sa golden standard pagdating sa pag-aanalisa kung may COVID-19 virus ang isang indibidwal na RT-PCR test.

Sa ginawang pananaliksik, lumalabas na ang experimental saliva test ay kayang makita ang SARS-CoV-2 infection ng minute lang at halos kasing accurate nito ang PCR tests.

Ang tipikal naman na saliva test ay sinasabing unreliable maliban na lang kung gagawin ito agad matapos ang isang magdamag na fasting dahil ang konsentrasyon ng virus particle sa laway ay bumababa matapos kumain o uminom.

Katulad ng iba pang rapid antigen tests, ang experimental na saliva test na tinatawag na PASPORT ay pinagsasama ang virus sa nanoparticles.

Pero sa pamamagitan ng PASPORT, nagdagdag ito ng ikalawang uri ng nanoparticle na nagreresulta sa mas malakas na signal. Dahil dito mas nagiging sensitive ang saliva test dahilan para mas ma-detect ang virus.

Ang nasabing resulta ng pananaliksik ay iniulat ng mga researcher sa Microchimica Acta.

Lumabas din naman sa pag-aaral nang isinalang ang saliva rest sa non-fasting samples mula sa 139 volunteers at ikinumpira ito sa PCR tests ng swab samples, ang PASPORT ay 97% accurate sa pag-detect ng SARS-CoV-2.

“Although PCR has been the gold standard, it requires trained personnel and laboratory infrastructure,” ani study leader Dr. Danny Jian Hang Tng ng Singapore General Hospital at Duke-NUS Medical School. RNT