Expired student permit, driver’s license, mga plakang nagtatapos sa ‘8’ valid ‘gang Oct. 31

Expired student permit, driver’s license, mga plakang nagtatapos sa ‘8’ valid ‘gang Oct. 31

October 1, 2022 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng expired student permits, driver’s license, conductor’s licenses maging medical certificates hanggang katapusan ng buwan.

Sa abiso, sinabi ng LTO na ang validity ng mga nabanggit na dokumento na nag-expire noong Agosto at Setyembre ay extended hanggang Oktubre 31, 2022.

Pinalawig din ng ahensya ang validity ng rehistrasyon ng anumang vehicle plate na nagtatapos sa “8” hanggang Oktubre 31, 2022.

Ayon sa LTO, ikinasa ang extension para sa mga apektado ng bagyong Karding at patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.