Export, import of goods yayabong – PBBM

Export, import of goods yayabong – PBBM

July 25, 2022 @ 5:55 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na yayabong o lalago ng 7% sa taong 2022 ang “exports of goods’ at 6% naman mula 2023 hanggang 2028.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw ng Lunes, Hulyo 25  sinabi nito na ang “imports of goods” sa kabilang banda ay lalago naman ng  18% sa  2022, 6% sa  2023,  at 8% mula 2024 hanggang 2028.

Dahil dito, inatasan niya ang National Economic and Development Authority (NEDA)  na makipag-ugnayan sa ibang ahensiya ng pamahalaan at ayusin ang Philippine Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028.

Kailangan din aniya na magsumite sa kanya ang NEDA ng kompletong  blueprint at progreso ng implemehtasyon nito “not later than year-end.”

“One of the main drivers of our push for growth and employment will be in the agricultural sector. With regard to food supply, we are confronted               by a two-pronged problem:  that which will hit us in the short term and that which will hit us in the long term,” ayon sa Pangulo.

“Tayo ay nahaharap sa mga problemang kagyat nating mararamdaman, at mga hamong pang-matagalan. Ang mga suliraning agarang mararamdaman ng ating mga kababayan ay ang posibilidad ng tuloy-tuloy na pagsipa ng presyo ng pagkain at kakulangan sa suplay ng ating pagkain,” aniya pa rin.

Upang masuportahan  aniya ang mga mamimili para mapanatili ang kanilang purchasing power o kapangyarihan sa pagbili ay isinapinal na aniya  ng Department of Agriculture ang planong taasan ang produksyon sa susunod na panahon ng pagtatanim o planting season, sa pamamagitan ng tulong pinansiyal at teknikal.

“Magbibigay tayo ng pautang, habang mas ilalapit natin sa sektor ng agrikultura ang hindi gaanong mahal na farm inputs na bibilhin na ng bulto ng gobyerno,” ayons a Chief Executive.

Kabilang na aniya rito ang abono, pestisidyo, mga punla, feeds, fuel subsidy at ayuda para sa mga karapat-dapat na benipisyaryo.

“Para sa pang-matagalang solusyon:  itataas natin ang produksyon ng mga kalakal at produktong pang-agrikultura.  At para magawa ito, pagtitibayin natin ang tinatawag na value chain na nagsisimula sa mga magsasaka hanggang sa mga  namimili,” ayon sa Punong Ehekutibo.

May mga bahagi  aniya ng value chain na sa ngayon ay kanya-kanya ang operasyon.

“Pagtibayin natin ang koordinasyon ng iba’t ibang bahagi nito,” diing pahayag ng Pangulo.

Ang pagsasaliksik aniya  para sa mga makabagong paraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ay masusing gagabayan ng Department of Agriculture.

Ang produksyon ng farm inputs o mga kakailanganin ng mga magsasaka sa pagpapalago ng kanilang sakahan ay  i-aayon aniya ng gobyerno sa mga hamong dala ng climate change at global warming.

“Mahigpit na pagsusuri ang gagawin ng ating mga eksperto tungo dito. Ang mga pautang at financial assistance sa mga magbubukid at mangingisda ay magiging institusyon at patakaran ng aking administrasyon,” anito.

“Ipaprayoridad natin ang modernisasyon ng mga sakahan sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya para sa ating mga magsasaka.Ating palalawakin ang mga palaisdaan, babuyan        at manukan.  Lahat ng ito, gagamitan ng siyensya para tumaas ang produksyong agrikultural.

Maging ang post-production at processing ay susuportahan ng pamahalaan.

“Gagawa tayo ng national network ng farm-to-market roads upang mas mabilis na mailakbay ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga pamilihan,” lahad ng Pangulo.

At gagawa rin aniya siya  ng mga paraan upang maramdaman ng mga mamimili ang pagluluwag ng presyo ng mga  produktong pagkain sa kayang halaga, gaya ng muling pagbubuhay ng mga Kadiwa Centers.

“Hindi ito magagawa sa isang araw, hindi magagawa sa isang buwan, o isang taon lamang. Ngunit kailangan na natin simulan ngayon. Ang agrarian reform program ay dapat magpatuloy,” diing pahayag nito.

“Agrarian reform is not only about acquisition, but also about support services and distribution. To assist this, I intend to issue an executive order to impose a one-year moratorium on the payment of land amortization and interest payments,” aniya pa rin sabay sabing “This is included in Republic Act No. 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act.  A moratorium will give the farmers the ability to channel their resources in developing their farms, maximizing their capacity to produce, and propel the growth of our economy.”

Sinabi pa rin ng Pangulo na suportado ng  civil society organizations ang bagay na ito dahil “it will unburden the farmers of their dues and be able to focus on improving farm productivity.

Congress must also pass a law that will emancipate the agrarian reform beneficiaries from the agrarian reform debt burden, thereby amending Section 26 of Republic Act 6657.”

“In this laws, the loans  of agrarian reform beneficiaries with unpaid amortization and interest shall be condoned. Layunin ng batas na ito ay burahin ang hindi mabayarang utang ng ating mga magsasaka na benipisyaryo ng agrarian reform,” ayon sa Pangulo. Kris Jose