Extension ng 30% WFH arrangements para sa BPOs ipinagpaliban ng PEZA

Extension ng 30% WFH arrangements para sa BPOs ipinagpaliban ng PEZA

August 28, 2022 @ 4:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) snitong Linggo na ang panukalang i-extend ang period ng pagpayag sa registered business process outsourcing companies na magkaroon ng tax perks habang nasa ilalim ng 30 porsyentong work-from-home setup ay ipinagpaliban hanggang Martes, habang naghihintay ng inputs mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

Inanunsyo ito ni PEZA Officer-in-Charge at Deputy Director General for Policy and Planning Tereso O. Panga sa isang ad referendum, kasama ang isa pang item na pagsasama ng ecozone logistics services activity sa Strategic Investment Priorities Plan (SIPP).

“The WFH 30 percent limit extension is approved in principle. (We) just need to revise our memo to include the inputs of the board,” pahayag ni Panga, at sinabing magpapadala sila ng pormal na request sa Fiscal Incentives Review Board (FIRB) this coming Tuesday.

“Work-from-home is a long-standing policy of PEZA and not just as a (business continuity measure). We will fast-track it ad referendum. No need for the board to convene,” dagdag ni Panga.

Matatandaang sinabi ng PEZA nitong nakaraang linggo na binabalak nilang palawigin ang period ng pagpayag sa BPOs na magkaroon ng tax perks sa ilalim ng 30 porsyentong work-from-home-arrangement hanggang Marso.

“The (Department of Finance) just wanted to make sure that ecozone logistics is included in the SIPP. The (Board of Investments) initially confirmed its inclusion under Tier 1 of SIPP, support to export activities,” ayon pa kay Panga. RNT/SA