Extension ng deadline sa pag-file ng ITR, hirit ni Binay sa BIR, DOF

Extension ng deadline sa pag-file ng ITR, hirit ni Binay sa BIR, DOF

April 7, 2021 @ 2:39 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Nancy Binay sa Bureau of Internal Revenue at Department of Finance na ikonsidera ang desisyon nito na huwag palawigin ang Abril 15 deadline sa paghahain at pagbabayad ng annual income tax returns para sa 2020.

 Sa pahayag, sinabi ni Binay na kahit sa NCR Plus lang na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite, palawigin tulad nang ginawa noong nakaraang taon.

“I-extend na lang sana ang April 15 deadline, kahit na sa NCR Plus lang. We already extended last year dahil sa enhanced community quarantine. Nasa parehong sitwasyon tayo a year later, kaya hindi ko naiintindihan bakit hindi mapagbigyan,” ayon kay Binay.

Naunang inihayag ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa nitong Lunes ng gabi na hindi palalawigin ang deadline dahil kailangan ng pamahalaan na makamit ang revenue targets upang pondohan ang pagtugon sa pandemya.

He added that while there would be no extension, taxpayers will be allowed to amend their filings until May 15 without any penalties.

Pero, sinabi ni Binay na mahihirapan din ang taxpayer at maliliit na negosyo na sumunod sa deadline dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagkilos sanhi ng enhanced community quarantine.

“Ang talo kasi rito iyong mga indibidwal at maliliit na negosyo na limitado ang kapasidad na kompletuhin ang mga requirement dahil sa lockdown. So para sa kanila, walang bearing ang no-penalty amendments dahil baka mismong pag-file hindi nila magawa,” ayon kay Binay.

Aniya, maging ang corporate taxpayers ay hihingi ng extension upang magkaroon ng adjustment sa mas mababang rates na itinakda sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law, na nilagdaan ni President Rodrigo Duterte noong March 26. Ipinalabas ng BIR ang implementing rules and regulations dito nitong Martes lamang.

Sinabi pa ni Binay na kanyang nauunawaan na may revenue target ang pamahalaan, pero hindi dapat mamamayan ang magdurusa sa hindi magandang pamamahala ng public health crisis.

“Hindi naman kasi taumbayan ang may kasalanan kung bakit lumala ang sitwasyon na kinakaharap natin. So why are we passing the buck if they aren’t responsible for the mismanagement of this crisis,” giit ni Binay.

Inihayag ng BIR na kailangan makalikom ang pamahalaan ng P235.237 bilyon sa Abril.

Ngunit, ayon kay Binay na hindi nangangahulugan na hindi magbabayad ng buwis kapag nagkaroon ng extension sa deadline.

“Hindi naman dahil extended ay hindi na magbabayad. Those who are able to will file and pay. Ang panawagan lang naman natin is not to penalize those who are unable to comply because of the difficulties presented by the lockdown,” aniya. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •