Extension ng P250 SRP sa sibuyas ipinagpaliban ng DA

Extension ng P250 SRP sa sibuyas ipinagpaliban ng DA

January 25, 2023 @ 2:31 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalawig sa P250 suggested retail price na ipinatutupad sa mga sibuyas.

Ito ang sinabi ng Malacañang nitong Miyerkules, Enero 25.

“The DA has deferred the extension of the P250 suggested retail price (SRP) due to the forecasted lower price range of onions following the harvest season,” saad sa press release ng Presidential Communications Office.

“According to the DA, onion prices may decrease to P100 to P150 per kilo with the entry of more than 5,000 metric tons (MT) of imported onions,” dagdag pa nito.

Matatandaan na noong Disyembre 2022, inilagay ng DA ang P250 SRP sa mga pulang sibuyas kada kilo sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ang anunsyong ito ay nakalagay sa ipinalabas na administrative circular kung saan iiral ito “for the remaining days of December 2022 until the first week of January 2023, subject to another stakeholders’ consultation.” RNT/JGC