‘Extreme heat’ mararanasan sa malaking bahagi ng daigdig sa 2100

‘Extreme heat’ mararanasan sa malaking bahagi ng daigdig sa 2100

August 28, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


ANKARA- Malaking bahagi ng daigdig ang makararanas ng “extreme heat” sa 2100, batay sa pinakabagong pag-aaral.

Batay sa pagtataya sa tropics and subtropics, kabilang ang Indian subcontinent, malaking bahagi ng Arabian Peninsula at sub-Saharan Africa, ang makararanas ng mapanganib na mainit na temperatura sa malaking parte ng taon sa pagtatapos ng kasalukuyang siglo, batay sa research paper na inilathala sa Communications Earth and Environment journal nitong Huwebes.

Posibleng mangyari ito kahit na maging matagumpay sa paglimita sa global warming ng “2 degrees Celsius above pre-industrial levels”, babala sa pag-aaral.

Makararanas din umano ang mid-latitude regions sa buong mundo ng matinding heat waves kada taon.

Sa US city of Chicago, halimbawa, tinataya ng researcher na magkakaroon ng 16-fold increase sa dangerous heat waves sa pagtatapos ng siglo.

“Extreme heat contributes to chronic illnesses and is associated with regular losses of outdoor labor time, and … has the potential to threaten the habitability of large swaths of Earth’s land surface if greenhouse gas emissions are not curtailed,” saad sa pag-aaral.

Pinaka-vulnerable sa severe health problems dulot ng labis na init ang mga matatanda, mahihirap at outdoor workers, dagdag nito.

“Without adaptation measures, this would greatly increase the incidence of heat-related illnesses and reduce outdoor working capacity in many regions where subsistence farming is important,” batay pa sa pag-aaral. RNT/SA