‘F’ grade ibinigay ng grupo ng mga guro sa admin, DepEd

‘F’ grade ibinigay ng grupo ng mga guro sa admin, DepEd

July 15, 2021 @ 10:21 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang Department of Education (DepEd) at ang administrasyong Duterte dahil sa anila’y “turtle-paced response” sa mga demand na benepisyo at dagdag-sweldo ng mga guro.

Ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio, patapos na ang pasukan pero wala pa rin ang mga ipinangakong kompensasyo ng ahensya.

Aniya, sa dami ng mga hinihingi ng DepEd sa mga guro, hindi kailanman nakatugon nang mahusay at napapanahon ang ahensya sa concerns ng mga guro.

“Kung mabibigyan lang ng final grade ng mga guro ang gobyerno, isang mapulang ‘F’ na marka ang ibibigay nila dito!” saad ni Basilio.

Sinita rin ni Basilio ang DepEd sa pagiging notoryus sa mga kasinungalingan nito at “incompetence”.

Inihalimbawa niya ang “empty promises” ng ahensya gaya ng pagbibigay sa mga guro ng 100 gigabytes connectivity load, laptops at ang sobrang delayed na na paglalabas ng kanilang P300 monthly communication reimbursement expenses simula pa noong 2020 at ang 2019 Performance Based Bonus (PBB).

Habang kabilang din sa mahaba nang utang ng DepED ay ang 25% overtime pay at service credits na natalakay sa pag-uusap ng DepEd, ACT at ng Civil Service Commission (CSC) noong June 24.

Pero ang pinakamalaking kasinungalingan aniya sa lahat ay ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kampanya na patataasin ang sahod ng mga guro. RNT