F2F class sa kolehiyo ‘di mandatoryo-CHED

F2F class sa kolehiyo ‘di mandatoryo-CHED

July 17, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi pa imamandato ng Commission on Higher Education (CHED) sa lahat ng paaralan sa kolehiyo na sumailalim sa face-to-face classes.

Bunsod nito, pinapayagan ng CHED  ang mga kolehiyo at unibersidad na malayang magpasya sa mas naaangkop na school setup para sa kanila.

“Ang ilang mga degree na programa ay talagang nangangailangan ng maraming harapan, lalo na ang mga programang nakabatay sa kasanayan, habang ang iba pang mga programa ay maaaring maihatid sa pamamagitan ng flexible na pag-aaral. So we are leave it to the universities to decide what is the appropriate mix,” ani CHED chairperson Prospero de Vera III.

“Some degree programs really need a lot of face-to-face, especially skills-based programs, while other programs can be delivered via flexible learning. So we are leaving it to the universities to decide what is the appropriate mix,” ani CHED chairperson Prospero de Vera III.

“For example, we cannot require all schools to do face to face because there are schools that have been doing distance learning and flexible learning even before the pandemic,” aniya pa.

Inihalimbawa niya pa ang ilang mga eskwelahan sa Metro Manila na nagpapatupad ng blended learning o pinaghalong online at F2F class, para hindi na rin magdusa ang mga estudyante nito sa trapiko.

Inilabas ng CHED chair ang pahayag matapos ang atas ng Department of Education sa lahat ng basic education schools sa bansa na magpatupad na ng in-person classes noong Nobyembre 2.

Sa kabila ng hindi pagmandato sa F2F classes, sinabi naman ni De Vera na inaasahan niyang marami pa ring mga kolehiyo at unibersidad na lilipat sa in person classes.

Noong Marso 2021, sinabi ni De Vera na pinagtibay na ng CHED ang isang patakaran na ang “flexible learning” system ay “magpapatuloy sa school year 2021 at pagkatapos nito.”

Ipinaliwanag ng tagapangulo ng CHED na pinagtibay nila ang patakaran dahil ayaw nilang “mapanganib na ilantad ang ating mga stakeholder sa edukasyon sa parehong panganib kung may dumating na panibagong pandemya.” RNT