F2F classes itutuloy sa kabila ng banta ng Omicron- Briones

F2F classes itutuloy sa kabila ng banta ng Omicron- Briones

December 10, 2021 @ 6:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Education Secretary Leonor Briones nitong Biyernes na itutuloy ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa bansa sa kabila ng banta ng Omicron variant ng coronavirus disease (COVID-19)

Sa isang virtual press conference, binanggit ni Briones angilang mga pahayag ng mga eksperto na maaaring hindi kasing panganib ng mga naunang variant ng COVID-19 ang Omicron.

“We cannot wait for Omicron to come in, then we will cancel face-to-face again,” aniya.

“The news so far gives comfort and hope, coming from experts that Omicron may not be as dangerous as the earlier versions. So tuloy pa rin tayo,” dagdag pa niya.

Iginiit din ng opisyal ng DepEd na wala pang naitatalang kaso ng Omicron sa bansa.

Nauna nang ibalita ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na walang naitalang Omicron variant mula sa pinakabagong whole genome sequencing na isinagawa nito.

“Of the 48 samples sequenced, 38 (79.17%) Delta (B.1.617.2) variant cases; the rest had non-VOC (variant of concern) lineages or had no lineages detected,” pahayag ng DOH. RNT/SA