F2F classes pinapayagan na ng DOH sa Alert Level 2

F2F classes pinapayagan na ng DOH sa Alert Level 2

February 2, 2022 @ 3:44 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinapayagan na ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng face-to-face (F2F) classes ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Ngunit sinabing depende pa rin ito sa pag-uusap ng Department of Education (DepEd) at local government units (LGUs) kung makakapagpatuloy sa F2F classes.

Paliwanag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, kailangang lamang makipag-usap ang DepEd sa tukoy na LGU upang makapagpatuloy ng kanilang F2F classes

Dapat aniya andiyan ang LGU commitment para ma-assess din kung tama na magbukas na ng klase sa kanilang lugar .

Inulit din ni Vergeire na may mga kondisyon  para makapagsagawa ng naturang aktibidad.

Una, ay ang LGU commitment at LGU approval.

Pangalawa, kung may kakayahan  na nga ang eskuwelahan na magsimula ng F2F at kung nakasunod sa standard

At higit sa lahat ay ang pagbabakunasa mga kabataan.

Hinikayat ng DOH ang mga magulang at LGU na mabakunahan ang mga kabataan sakaling magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso at maipagpatuloy na rin ang pag-aaral ng mga kabataan sa kani-kanilang eskuwelahan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)