F2F classes tuloy sa ‘expanded phase’ — DepEd exec

F2F classes tuloy sa ‘expanded phase’ — DepEd exec

January 25, 2022 @ 12:51 PM 8 months ago


Manila, Philippines –  Nasa ilalim na ng ‘expansion phase’ ang face-to-face classes sa bansa kahit pa mayroong COVID-19 pandemic, ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla.

Sa panayam kay Super Radyo dzBB, Sevilla, mas maraming paaralan pa ang lalahok sa in-person classes simula Pebrero.

“Tuloy-tuloy tayo. In fact, we now call it the expanded face-to-face approach or stage,” dagdag pa nito.

Sa datos sa isinagawang pilot face-to-face classes mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 20, 2021, nakiisa rito ang 287 public at private schools sa buong bansa.

Naunang sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na mas marami pang grade level ang lalahok sa expanded face-to-face classes. RNT/FGDC