F2F oathtaking ng bagong CPAs aarangkada sa Dec. 5

F2F oathtaking ng bagong CPAs aarangkada sa Dec. 5

November 5, 2022 @ 11:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Aarangkada ang in-person oathtaking ceremony para sa bagong Certified Public Accountants sa Dec. 5 ng ala-1 ng hapon sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Sa abiso, sinabi ng Professional Regulation Commission (PRC) na kailangang magparehistro ng attendees sa official website hanggang isang araw bago ang oathtaking schedule upang kumpirmahin ang pagdalo.

Limitado ang confirmation slots sa 1,800, base sa PRC.

Kailangang magdala ng inductees ng COVID-19 vaccination card o negative RT-PCR result na isinagawa 48 oras bago ang seremonya.

Inihayag din ng PRC na ang mga hindi makadadalo sa face-to-face ceremony ay pwedeng mag-request ng special oathtaking.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration starting December 06, 07, 09, and 12 – 15, 2022 by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph.

For more information on the oathtaking proper, please contact 0967-4721089,” paalala ng PRC. RNT/SA