F2F recruitment ng Saskatchewan province sa Pinoy nurses, umarangkada

F2F recruitment ng Saskatchewan province sa Pinoy nurses, umarangkada

December 1, 2022 @ 5:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippies- Sinimulan na ng delegasyon mula sa probinsya ng Saskatchewan sa Canada ang isang linggong in-person recruitment ng Filipino nurses upang magtrabaho sa major healthcare institutions.

Sa pangunguna ni Saskatchewan Minister of Health Paul Merriman, kasama ang ibang government officials at kinatawan mula sa pinakamalaking healthcare employer ng probinsya, Saskatchewan Health Authority, at secondary institutions, target ng delegasyon na direktang makipag-ugnayan sa Filipino healthcare workers at aktibong isulong ang employment opportunities sa probinsya.

“The people of the Philippines are kind, caring and compassionate, and this translates into the quality of health care they deliver to patients,” ani Merriman at binanggit na ang Saskatchewan, isang agricultural province, “has experienced success in welcoming Filipino nurses and other health-care workers into our workforce and our communities” sa loob ng ilang taon.

“We want to continue building on that success, as we recognize and appreciate the excellence and professionalism Filipino people bring to our health system,” pahayag niya.

Sinabi rin ni Merriman na ang Saskatchewan, tahanan ng 36,000 Filipinos kung saan Tagalog ang nangungunang foreign language sa probinsya, ay target tumanggap ng 1,000 hanggang 1,200 nurses mula sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas.

Ipinaliwanag niya na ang desisyon ng Saskatchewan na tumanggap ng Filipino nurses ay hindi upang pahinain ang healthcare system ng Pilipinas, kundi bigyan sila ng opsyon.

“I wish to invite health-care workers from the Philippines to consider building their future in our province. Saskatchewan is ready to welcome you!,” ani Merriman.

“Our province is a place of opportunity where you can enjoy a great quality of life, raise a family and be part of a strong and supportive community,” dagdag niya.

Ang average entry-level salary ng nurse sa Saskatchewan, aniya ay $75,000CAD kada taon o halos P3.1 milyon.

Habang nasa Manila, nagbibigay din ang Canadian delegation ng licensing, regulatory, at immigration process information sa mga aplikante at impormasyon ukol sa Saskatchewan.

Mahigit 3,000 ang natanggap para sa sessions at daang imbitasyon ang naipadala sa mga kwalipikadong dumalo.

“The Filipino culture and spirit is very much integrated into Saskatchewan. We have nothing but positive feedback. We are also recruiting in other parts of the world but we wanted to come here first to show how important it is to the Philippine community that the government of Saskatchewan is on the ground ready to offer them an opportunity,” giit ni Merriman. RNT/SA