Fabian itinaas sa severe tropical storm

Fabian itinaas sa severe tropical storm

July 19, 2021 @ 11:50 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Itinaas sa severe tropical storm si bagyong Fabian habang tinatahak ang hilagang-kanluran ng extreme Northern Luzon.

Huling namataan si Fabian sa 1,055 kilometro silangan ng hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon na may taglay na hanging aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong aabot sa 115 kph na gumagalaw sa bilis na 15 kph.

Wala pa ring itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa bansa.

“The tropical cyclone may exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow evening or on Wednesday early morning,” ayon sa PAGASA.

Sinabi rin ng ahensya na may posibilidad na pumasok muli sa PAR si Fabian.

Samantala, pinaiigting ni Fabian ang epekto ng habagat sa bansa pati na ang namataang bagyo sa labas ng PAR. “Under the influence of the Southwest Monsoon that is being enhanced by “FABIAN” and the Tropical Storm estimated at 840 km West Northwest of Extreme Northern Luzon (outside the PAR) (20.9°N, 113.1°E), monsoon rains will be experienced in the next 24 hours over Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, and Palawan,” ayon sa PAGASA. RNT/ELM


  •  
  •  
  •