#FabianPH bahagya pang lumakas – PAGASA

#FabianPH bahagya pang lumakas – PAGASA

July 20, 2021 @ 1:18 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bahagya pang lumakas si bagyong Fabian ngunit wala pa rin itong direktang epekto sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa huling weather bulletin, namataan si Fabian sa 950 kilometro silangan ng hilangang-silangan ng extreme Northern Luzon.

May taglay itong hangin na aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong aabot sa 125 kph.

Wala pa ring itinataas na tropical cyclone wind signal sa bansa dahil kay Fabian.

“Fabian is unlikely to bring heavy rainfall in the country throughout the forecast period,” ayon sa ahensya.

Pinalakas naman ni Fabian ang epekto ng habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Batanes, at Babuyan Islands.

Sinabi rin ng PAGASA na posibleng itaas sa Signal No. 1 ang Batanes at Babuyan Islands sa paglakas ni Fabian.

Makararanas din ng matataas na alon sa baybayin ng Batanes at Babuyan Islands, sa kanlurang baybayin ng Palawan, kasama ang Kalayaan at Calamian Islands; pati na Occidental Mindoro, kasama ang Lubang Islands.

“Sea travel is risky for small seacrafts over these waters. Mariners without the proper experience should immediately seek safe harbor,” ani PAGASA.

Inaasahang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Fabian sa Biyernes, Hulyo 23. RNT/ELM


  •  
  •  
  •