#FabianPH nanatili ang lakas sa pagbagtas sa Philippine Sea

#FabianPH nanatili ang lakas sa pagbagtas sa Philippine Sea

July 18, 2021 @ 12:45 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bagamat walang Tropical Cyclone Wind Signals na itinataas dahil kay bagyong Fabian, patuloy ang pagbagtas nito sa karagatan ng bansa habang pinanatili ang lakas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Umaabot ng 400 kilometro ang sakop na hangin ni Fabian na huling namataan sa 1,100 km silangan ng hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

May taglay itong hangin na aabot sa 65 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 80 kph.

Isa pang low pressure area ang namataan sa 740 km kanluran ng Basco, Batanes.

Inaasahang lumabas ng Philippine Area of Responsibility, gabi ng Lunes o umaga ng Martes. RNT/ELM


  •  
  •  
  •