Face mask alisin na rin sa klasrum – OCTA member

Face mask alisin na rin sa klasrum – OCTA member

September 14, 2022 @ 6:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang miyembro ng OCTA Research Group na kalusin na ang mandato ng pagsusuot ng face mask sa mga estudyante sa face-to-face classes.

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco sa isang online forum nitong Martes, Setyembre 13.

“Our children have suffered for two years. Nearly one of the longest in the whole world of a lockdown without school. So now they have returned not to face-to-face, people say it’s face-to-face, they have returned to mask-to-mask education. We must move from mask-to-mask to real face-to-face for our children,” ani Austriaco.

Ang kanyang pananaw ay batay sa isang analysis na inilabas ni US-based health policy expert Dr. Leana Wen kung saan mayroong hindi magandang epekto ang pagsusuot ng face mask sa mga bata, kabilang na umano dito ang problema sa pagsasalita.

Sa kabila ng paliwanag na ito, nanindigan pa rin ang Department of Health sa kahalagahan ng pagsusuot ng face mask ng mga bata sa mga paaralan.

“‘Yung mask na ‘yan doesn’t hurt our children. It protects our children from infections,” ani DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire sa isang briefing.

“Parents are highly encouraged to have their children wear face masks when going to school since “these are simple sacrifices for us to further protect our children,”dagdag pa niya.

Nilinaw naman ni OCTA Research fellow Guido David na dapat ay magsuot pa rin ng face mask ang mga bata sa classroom.

Matatandaan na nitong Lunes, Setyembre 12 ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kautusan na ginagawang optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings. RNT/JGC